Tuesday, September 30, 2008

2010

Malayo pa ang presidential election pero amoy campaign period na, hehehehe. Madamo na nagdeklara ng kanilang kandidatura, ay apo! Ngayon pa lang labo-labo na. Kanya kanyang papogi at sabuyan ng putik! Kadumi naman talaga ng politika dito sa 'Pinas... Hay! Alang pagbabago. Pag napagbitangan ka at nalagay sa dyaryo ay naku sigurado nahusgahan ka na 'tol, "GUILTY!", dyan magaling si Ping! Daig mo pa ang lechong Pingping na pinapak ng sampung asong ulol, hehehe...
Pag dinale ka niya sa "Privilege Speach", bang, bang, paktay kang bata ka! Tila wala ng katapusan ang pagdurasa ng karaniwang pinoy, tulad mo, tulad ko... Para tayong mga laruan ng pinaiikot sa kanilang mga palad, ginagawang parang asong ulol na pinaaasa na sila na lang ang ating pagasang makaahon sa kahirapan. Nagkakamal sila ng limpak-limpak na pera galing sa kaban ng bayan habang ang kawawang si Juan de la Cruz ay nakatunganga sa gutom. Ano na ang kinabukasang naghihintay sa atin? Kailangan natin ng pagbabago... pagbabagong magmumula sa bawa't Pinoy.
Nasa atin ang kapangyarihan upang simulan ang pagbabago. Sa darating na 2010, vote wisely!
Taktakin ang ating mga utak at pumili ng tapat; hindi yung nagbabayad...